Mahirap maging Pilipinas.

Pagmamay-ari mo na, naagaw pa ng taga-labas.

Ipinaglaban mo,

Ayaw namang umamo.

Tinanggap mo na lang ang masakit mong pagkatalo kaya itinigil mo na ang paulit-ulit na pagsusumamo.

Nasanay ka nang wala siya sa loob ng mahabang panahon.

Tapos, bigla siyang magbabalik sa harap mo ngayon.

Kung hindi siya inangkin ng iba, nangyari na sana noon ang mga planong magaganap pa lang bukas.

Di bale, nasa tabi mo na ulit siya sa wakas.

Advertisements