Kakilala lang sa una.

Bibihirang mapuna.

Minsanan kung mag-usap.

Tila naubusan ng pangungusap.

 

Araw-araw nagkikita.

Unti-unti nang lahat ay makita.

Nagkagaanan ng loob.

Binuksan ang puso maging ang laman loob.

 

Pantawid Pamilya ang naging tulay.

Sa relasyong nakapagbibigay buhay.

Pagsasamahan ay nagkaroon ng saysay.

Ilang beses na rin nasubok ang tibay.

 

Anak na lumaki sa magkaibang tahanan.

Madalas magtalo dahil hindi pareho ang pinaniniwalaan.

Magtalo man ay naglalaan ng oras para magkaunawaan.

Hindi hahayaang pagkakamali ng isa ay maging katatawanan.

 

Taon ay agwat lamang sa numero.

Nagtutugma na ang edad pagdating sa biro.

Nabuong pagkakaibigan ay mananatiling puro.

Ito’y sigurado, hindi siguro.

 

Inaasahang pagkakaibigan ay humantong sa pagiging magkapatid.

Magkawalay man ay hinding-hindi mapapatid.

Magkabilang sulok ng mundo ay handang tawirin.

Huwag lang tatamarin.

 

Di man iisa ang dugong dumadaloy,

Makaaasang pagtitiwala ay patuloy.

Samahang nabuo ay hindi perpekto.

Hindi ka naman iiwang mag-isa nito hanggang dulo.

Advertisements